2017117(火)

Kasal, halikan nina Gerald at Kim trending


TRENDING kahapon ang kasal nina Kim Chiu at Gerald Anderson. But wait, hindi po sa totoong buhay ‘yan nangyari ha, kundi sa kanilang daytime drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Pinakilig nina Gerald at Kim ang kanilang mga fans sa naganap na wedding nina Bianca Agbayani at Gabriel Vilario, ang kanilang mga karakter sa nasabing serye mula sa Dreamscape Entertainment.

Talagang inabangan ng manonood ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa episode ng ILAI kahapon kaya naman waging-wagi rin ito sa social media matapos itong maging trop trending topic sa Twitter with the hashtag #ILAIPagbubuklod.

Pinag-usapan din ng mga netizen ang naging wedding vows nina Bianca at Gabriel na tumagos sa puso ng manonood.

“Sa wakas, sa harap ng Diyos at sa harap ng taong nagmamahal sa atin, masasabi ko na ang nararamdaman ko para sa iyo. Bianca, ikaw ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Sinamahan mo ako para maabot ko ang mga pangarap ko.

“Pero ang totoo niyan ikaw ang pinakamalaking pangarap ko. Makabuo ng pamilya kasama ka, wala nang hihigit pa doon. I love you mahal na mahal kita,” sabi ni Gabriel kay Bianca.

Sagot naman ng bride, hinding-hindi niya iiwan ang kanyang asawa, “Gusto kong magpasalamat sa iyo dahil hindi mo ako sinukuan simula noong una tayong nagkakilala. Kahit na ayaw kong makipagkaibigan sa iyo.

“Noong nahulog ako sa tubig at lumusong ka para tulungan ako, ‘yun na ang simula nang pagiging Superman mo ng buhay ko. ‘Yung puwede kong sandalan.

“Pero alam ko higit pa doon ang gusto mo. Gusto mo maging karamay natin ang bawat isa. ‘Yun bang pwede kang humugot ng lakas sa akin at ganoon din ako sa iyo.

“Kaya nangangako ako sa Diyos at sa lahat ng taong nagmamahal sa atin, na ako ang magiging karamay at kakampi mo sa lahat ng problemang darating sa buhay natin dahil mahal na mahal kita,” sey pa ni Bianca.

Ang tanong, tuloy-tuloy na kaya ang kaligayahan ng bagong kasal o ito pa lang ang simula ng mga bagong pagsubok sa kanilang buhay? Tutukan ang pagpapatuloy ng Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN bago mag-Showtime.

Speaking of Kim Chiu, umabot na raw sa P51.5 million ang kinita ng kanyang horror movie na “The Ghost Bride” simula nang mag-showing ito noong Nov. 1.Read more at:http://www.sheindressau.com/wedding-dresses-adelaide | http://www.sheindressau.com/lace-wedding-dresses-australia






 コメント(0件)コメント欄はユーザー登録者のみに公開されます 
コメント欄はユーザー登録者のみに公開されています

ユーザー登録すると?
  • ユーザーさんをお気に入りに登録してマイページからチェックしたり、ブログが投稿された時にメールで通知を受けられます。
  • 自分のコメントの次に追加でコメントが入った際に、メールで通知を受けることも出来ます。






 ABOUT
Lilly

性別
属性個人
 ブログカテゴリ
 カウンター
2016-07-06から
4,049hit
今日:5
昨日:5


戻る